Matapos ang ilang taong paghihintay, isang obra na naman ang naisulat ng primyadong manunulat na si Bob Ong.
Ilang mala-seryosong tema rin ang naging paksa ng mga naunang libro ni Bob Ong tulad ng Alamat ng Gubat (2004), Stainless Longganiza (2005) at Macarthur (2007) at kakaibang tema naman ang in-explore niya sa librong ito. Ang mga Kaibigan ni Mama Susan ay magbabalik sa inyo sa mundo ng imahinasyon (o realidad), kapilyohan (o kaseryosohan) at maniwala ka man o sa hindi, katatakutan (o kamisteryosohan).
“Ang mga Kaibigan ni Mama Susan” ay isang talambuhay ng isang binatilyong napagkaitan man ng marangyang buhay, ay nabiyayaan ng pamilya”. Samahan nyo si Gilberto Manansala (Galo) sa kanyang paghahanap ng saysay sa kanyang buhay. Kilalanin niyo ang ilang piling tauhan sa kanyang kwento tulad nina Tiya Auring, Tiyo Dindo, Niko, Jezel, Aling Delia, si Lola, si Mama Susan at ang mga kaibigan niya.
Ang mga naunang pahina sa libro ay bahagi ng isang diary or journal na pinagagawa ni Mrs. Lao, teacher ni Galo sa isang College subject. Sa mga pahinang ito ay magkakaron tayo ng ideya kung paano nabubuhay si Galo, ano ang routine niya, pati na rin ano ang mga pinagkakaabalahan niya, kung sino siya. Habang nakikilala mo siya ay bigla na lang may nabubuong istorya na parehas niyong di maipaliliwanag ni Galo. Sa mga panahong ito mo malalaman bakit ko nasabing, “maniwala ka man o sa hindi, ay may kababalaghan (o kamisteryosohan) ang tema ng librong ito.
Masyado akong speechless sa libro kung kaya’t tulad ng sabi sa umpisa ng “Ang mga Kaibigan ni Mama Susan”:
Wag mong babasahin
——–
BABALA: Ito ay isa lamang pagtatangka sa pagsasalin ng ilan sa di maintindihang salita sa libro. Gumamit ako ng kung anu-anong translators pero walang konkretong pagsasalin ang may sense. Kailangan natin tanungin si Mama Susan o si Aling Delia ng tunay na kahulugan ng lahat ng ito.
tu es meus quod nullo modo permutare potes
Hindi kita tatantanan. Walang paraan ang maaari mong
nihil scis ignarissime ac stultissime puer
kalabanin. Hangal ka, bata.
te recusare non sinam
Hindi kita pahihintulutang tumanggi.
———————–
Related Sources:
http://www.facebook.com/bobongfans
http://www.facebook.com/Visprint
http://visprintpub.blogspot.com/2010/11/bob-ongs-8.html
http://angmgakaibigannimamasusan.blogspot.com/2010/12/bob-ong-ang-mga-kaibigan-ni-mama-susan.html


mayan
January 13, 2011 at 3:44 am
ako’y nagugulumihanan ngunit ang diwa ko’y tila gutom sa katotohanan… mabasa nga…
Maraming salamat sa iyong malaman na paliwanag.
Comments and Review on the MORCon 2011 hosted by SEO Philippines | maybelle victor
October 30, 2011 at 12:36 am
[...] goes my attempt at a purely Tagalog entry. Gone in a jiffy. I did write a Tagalog book review on Bob Ong’s Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan and a movie review on Kris Aquino’s Dalaw before, you might want to check them [...]