RSS
 

Posts Tagged ‘Tagalog’

Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan

10 Jan

From http://angmgakaibigannimamasusan.blogspot.com/2010/12/bob-ong-ang-mga-kaibigan-ni-mama-susan.htmlMatapos ang ilang taong paghihintay, isang obra na naman ang naisulat ng primyadong manunulat na si Bob Ong.

Ilang mala-seryosong tema rin ang naging paksa ng mga naunang libro ni Bob Ong tulad ng Alamat ng Gubat (2004), Stainless Longganiza (2005) at Macarthur (2007) at kakaibang tema naman ang in-explore niya sa librong ito. Ang mga Kaibigan ni Mama Susan ay magbabalik sa inyo sa mundo ng imahinasyon (o realidad), kapilyohan (o kaseryosohan) at maniwala ka man o sa hindi, katatakutan (o kamisteryosohan).

“Ang mga Kaibigan ni Mama Susan” ay isang talambuhay ng isang binatilyong napagkaitan man ng marangyang buhay, ay nabiyayaan ng pamilya”. Samahan nyo si Gilberto Manansala (Galo) sa kanyang paghahanap ng saysay sa kanyang buhay. Kilalanin niyo ang ilang piling tauhan sa kanyang kwento tulad nina Tiya Auring, Tiyo Dindo, Niko, Jezel, Aling Delia, si Lola, si Mama Susan at ang mga kaibigan niya.

From http://angmgakaibigannimamasusan.blogspot.com/2010/12/bob-ong-ang-mga-kaibigan-ni-mama-susan.htmlAng mga naunang pahina sa libro ay bahagi ng isang diary or journal na pinagagawa ni Mrs. Lao, teacher ni Galo sa isang College subject. Sa mga pahinang ito ay magkakaron tayo ng ideya kung paano nabubuhay si Galo, ano ang routine niya, pati na rin ano ang mga pinagkakaabalahan niya, kung sino siya. Habang nakikilala mo siya ay bigla na lang may nabubuong istorya na parehas niyong di maipaliliwanag ni Galo. Sa mga panahong ito mo malalaman bakit ko nasabing, “maniwala ka man o sa hindi, ay may kababalaghan (o kamisteryosohan) ang tema ng librong ito.

Masyado akong speechless sa libro kung kaya’t tulad ng sabi sa umpisa ng “Ang mga Kaibigan ni Mama Susan”:

Wag mong babasahin

Read the rest of this entry »

 
 

Ang Paboritong Libro ni Hudas

14 Nov

Ang Paboritong Libro ni HudasSa pangalawang pagkakataon, naaliw pa rin ako sa katapusan ng librong ito. Hindi pa kasi ako gumagawa ng mga review nung una ko siyang binasa at hindi ko naman kasalanan kung ung ineengganyo kong magbasa ang librong ito ay di na nakapagbalik ng kopya ko, kaya ayun, bumili ako ng bago at binasa ko na lang ulit.

Para sa akin, hindi sayang ang Php 180 ko sa librong ito (at sa iba pang libro ni Bob Ong) at kahit pa pangalawang beses ko na ito bibilhin. Kumpara sa ibang librong nabasa ko, di hamak na mababaw talaga ito pero akmang akma talaga sa timpla ng Pinoy ang ganitong tema. Hindi naman sa sinasabi kong mababaw ang Pinoy, “street-smart” kasi yung libro, napakakaswal ng dating at hindi pinilit maging makatotohanan. Yung mga linya sa libro ay di malayo sa pwede kong marinig sa kanto o sa mga pwede kong ihirit kung saka-sakali.

Ang Paboritong Libro ni Hudas ay isa lamang maikling kuwento na siguro’y mga 1/8 lang ng buong libro pag pinagsama-sama mo. Ito ang sinusundan ko nung unang beses ko siya binasa at totoong di ko maiwasang mayamot sa mga istorya, opinyon at paglalarawan na nasa pagitan ng bawat eksena patungkol sa istorya. Nagsimula ang kuwento sa isang eksena tungkol sa isang lalaki na tila kakamatay lang. Nagkaron siya ng diyalogo sa isang tao na hindi niya kilala o maarok kung sino. Ang mga diyalogong ito ang aabangan mo sa pagitan ng pitong dibisyon. Ang mga dibisyong ito ay tila kumakatawan sa mga iniisip, tanong, pananaw at buhay ng kakamatay lang na nilalang. Kahit pito lang sila, may mga pagkakataong di ko sila mapagtugma at nito lang, nang binasa ko siya sa pangalawang beses na mas napagukulan ko siya ng pansin.

Ang pitong dibisyon na ito ay may mga kakaibang titolo:

Read the rest of this entry »

 
 

Kapitan Sino

11 Jun

Matapos mabasa ang pinakabagong libro ni Bob Ong, sigurado akong gagawan ko ito ng review kaso parang hindi ata akma na Ingles ang review ko para sa isang Pilipinong babasahin.

Hindi naman ako talaga Inglesera pero mas sanay akong magsulat sa banyagang dila, ganunpaman, hindi ito dapat maging sagabal sa pagkakataong ito.

Nabasa ko na lahat ng libro ni Bob Ong at ang pinakamalapit sa istorya nito ay ang Alamat ng Gubat.  Mistulang kwentong pambata na nadadamitan ng makatotohanang pulitikal at sosyal na mga isyu o pangyayari.  Patungkol ang “Kapitan Sino” sa isang lokal na superhero nagngangalang si Rogelio na nagkaroon ng pagkakataong sagipin ang maliit na bayan ng Pelaez.

Tulad ng mga naunang libro, puno ng maloko at mapagbirong pagsasalaysay ang istorya, lalo na ang mga linya ni Rogelio sa kaibigan nitong si Bok-bok.  Halimbawa na lamang ang pagdating ni Rogelio para pigilan ang isang holdapan na malaman-laman n’yang isa palang shooting o ang pagsagip n’ya sa pusa ng isang bata na nasa itaas ng puno na di sinasadyang makuryente n’ya sa proseso.  Isa pa ang diskusyon at ideya sa pagpili ng “costume” n’ya, na sa bandang huli, ay isa palang costume na ginawa ng bulag na si Teng (Tessa).  Ang pangalan na lang n’ya (at ng libro) ay isang malokong pagsasalarawan ng mga linya.  Paano nga ba naging “Kapitan Sino” ang dapat na si “Super Strength”?  Dahil dito:

“Sino yon?” tanong ng isang tanod.

“Ganda na ngaun ng mga uniporme ng pulis, ‘no?” sagot ng isa pa.

“Tamang-tama, nauuso pa ang kidnapan…”

“May makakpitan na tayo!”

Hindi ba si Kapitan yon?

“Kapitan? Sino?”

“Amoy Jovan, si Kapitan Sino!”

Meron namang “valid heroism” na nagawa si Kapitan Sino pero hindi na ito sobrang nilarawan ni Bob Ong.  Nagsara ang libro sa isang kabayanihang ipinamalas ni Rogelio – pagbahagi ng dugo n’ya na s’yang lunas sa epidemyang bumabalot sa bayan (o sa buong mundo).  Wala naman s’yang choice eh.  Nakulong kasi sila ni Bok-bok dahil napagkamalang impostor ni Kapitan Sino si Rogelio tapos lahat ng tao ay bina-blood type na para malaman kung ito ang makakatulong para maagapan “sana” ang epidemya.

Marami ring pampulitikang uyam at maka-Filipinong personalidad na makikilala mo dahil napaka-totoo nila sa loob ng libro.   Ang pinakamaganda dito ay ang mensahe na maraming pwedeng magawa ang isang tao bukod sa umasa sa gobyernong kurakot.  Ang mensaheng nagsisimula sa “kahit sino” ang “pagbabago ng mundo.”  Na si Kapitan Sino ay “Kahit Sino” na naniniwala na “gagawin n’ya ang sa kaya n’ya.”

 
 

Ano bang meron sa buwan?

11 Jun

(Naisip mo na ba kung kunyari hindi ka taga-earth, at sa buwan ka talaga nakatira?)

Pwede.

(Hindi ka ba malulungkot dahil walang mga tao doon?)

Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan.  Saka hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo e.  Minsang isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.

- Rogelio/Kapitan Sino, “Kapitan Sino” -

 
 

Sabi ng Bulag na si Tessa

10 Jun

Sabi ni Exupery, ang pinakamahalagang bagay sa mundo, hindi nakikita ng mata…

Alam mo ba ang pagkakaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? (Paningin?)

Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.

- Bob Ong, “Kapitan Sino” -